Nakatakdang talakayin ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Japanese Foreign Minister Hayashi Yoshimasa ang mga susunod na hakbang para ipatupad ang mga pagkakaunawaan at mga kasunduan na naabot sa pagitan nina Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at Prime Minister Kishida Fumio noong Pebrero.
Sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa Tokyo, Japan si Manalo para lumahok sa Munich Leaders Meeting (MLM) mula Mayo 14 hanggang 16.
Kung matatandaan, sa bilateral visit ni Marcos, nasaksihan nila ni Kishida ang paglagda at pagpapalitan ng mga pangunahing kasunduan sa mga larangan ng humanitarian assistance at disaster relief infrastructure, agrikultura, at digital cooperation at communications technology, na kasama sa priority agenda ni Pang. Marcos.
Sa pagpupulong, tatalakayin din ni DFA Sec. Manalo ang Philippines-Japan Strategic Partnership at ang rules-based order sa National Graduate Institute for Policy Studies ng Japan.
Ang Japan ang unang bansa kung saan nagkaroon ang Pilipinas ng Strategic Partnership at kabilang sa dalawang strategic partners ng Pilipinas bukod sa Vietnam.
Ito rin ang tanging bansa kung saan mayroong bilateral na free trade agreement ang Pilipinas na kilala bilang Philippines-Japan Economic Partnership Agreement.