
Inihayag ng Department of Foreighn Affairs (DFA) at ng isang House leader na masyado pang premature o masyado pang maaga para sa pag-invoke ng activation ng Mutual Defense Treaty ng Pilipinas sa Estado Unidos kasunod ng military-grade laser incident sa West Philippine Sea.
Sa ilalim kasi ng 1951 treaty, nangako ang US at Pilipinas ng alyansa sakaling mayroong banta ng armdong pag-atake sa public vessel, tropa o airship.
Ayon pa kay DFA spokesperson Ma. Teresita Daza, ang naging aksiyon ng Chinese Coast Guard ay hindi maituturing na “armed attack”.
Bagamat nauna ng kinatigan ng DFA ang report ng Philippine Coast Guard (PCG) na tinutukan sila ng Chinese Coast Guard ng lasers na nagdulot ng pansamantalang pagkabulag sa kanilang crew na dalawang beses ng nangyari.
Aniya, nagpapatuloy ang diskusyon sa mga opisyal ng gobyerno ng Pilipinas sa kung kailan i-aactivate ang Mutual Defense Trety.
Ngbabala naman si Deputy House Speaker Ralph Recto laban sa pag-invoke ng Mutual Defense Treaty dahil sa laser harassment ng China.
Aniya, hindi angkop na tugon ang activation ng MDT na magpapalaki lamang ng gusot.
Ipinapaubaya na rin nito sa Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang pagtugon sa Chinese agression dahil ang punong ehekutibo ang mayroong sapat na resources na gagamitin nang hindi kailangan pang magpasaklolo sa Amerika.
Una na ngang ipinatawag ng Pangulo si Chinese Ambassador Huang Xilian kasunod ng insidente na nagpahayag ng lubhnag pagkabahala sa napapadalas at umiigting na aksiyon ng China laban sa PCG at mangingisdang Pilipino.














