-- Advertisements --

Hinimok ngayon ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang lahat ng mga distressed overseas Filipino workers (OFWs) sa Sri Lanka na agad makipag-ugnayan sa embahada ng Pilipinas sa Dhaka, Bangladesh at Honorary Consulate in Colombo.

Sa isang tweet, sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Sarah Lou Arriola na patuloy naman ang DFA na nakikipag-ugnayan sa mga Filipino community leaders kaugnay ng sitwasyon sa ground.

Dagdag ni Arriola, ang mga Pilipino sa Sri Lanka na nais nang umuwi sa Pilipinas ay puwedeng kumontak sa Philippine Consulate in Colombo sa mga numerong +94 114322267, +94 114322268 at +94 112307162.

Ang Philippine Embassy sa Dhaka, Bangladesh naman ay +88 01735349427 o makipag-ugnayan sa dhaka.pe@dfa.gov.ph.

Sa DFA-Office of the Undersecretary for Migrant Workers’ Affairs (OUMWA) naman ay narito ang mga puwedeng tawagan:

+63 967 4421825 (Globe)

+63 908 3442070 (Smart)

+63 999 9802515

atn@dfa.gov.ph

Samantala ang mga OFWs naman sa Sri Lanka ay puwedeng kumontak sa DFA sa pamamagitan ng pagbibigay ng mensahe sa Facebook page na OFW Help 24/7.

Kung maalala, humaharap ngayon ang Sri Lanka ng unprecedented economic crisis na posible umanong tumagal nang hanggang mahigit dalawang taon.