Cleared mula sa novel coronavirus infectious disease (COVID-19) ang 30 repatriated Pinoys mula Wuhan City, China na sumailalim sa 14-day quarantine sa New Clark City, Tarlac.

Ito ang kinumpirma ng Department of Foreign Affairs (DFA) kasabay ng pagtatapos ngayong araw ng quarantine sa mga Pinoy na galing sa ground zero ng sakit sa China.

-- Advertisement --

Ibig sabihin, may clearance na ang mga umuwing Pinoy para makauwi sa kanilang mga pamilya dito sa bansa.

Wala rin umanong pinakitang sintomas ang 10-man Health Emergency Response Team ng DFA at Department of Health.

“All 30 repatriates from Wuhan received a clean bill of health and were cleared by the Department of Health (DOH) to leave the New Clark City quarantine facility today.”

“The repatriates, joined by the 10-man Health Emergency Response Team (HERT) from the Department of Foreign Affairs (DFA) and the DOH, six flight crew members, and three ground crew operators are all declared healthy and showed no signs and symptoms of the Coronavirus Disease (COVID-19). The group, repatriated on February 9 from COVID-19 ground zero, was housed in the quarantine facility for 14 days.”

Ang naturang bilang ang unang batch ng mga Pinoy na na-repatriate mula sa mga bansang may kaso ng COVID-19.

Sa ngayon inihahanda na ng concerned agencies ang pag-disinfect sa NCC na magiging quarantine facility din ng higit 400 Pinoy mula Diamond Princess cruise ship sa Japan.

“The group is the first batch of repatriates brought back by the DFA from COVID-19-affected areas.”

“In the next few days, the DFA will be bringing back home over 400 Filipinos from the Diamond Princess Cruise ship that is docked in Yokohama, Japan. Other repatriation efforts will also be undertaken by the DFA in the coming weeks.”