-- Advertisements --
Hindi pinaporma ng top seeded na Phoenix Suns ang Dallas Mavericks, 110-80, sa Game 5 sa NBA semifinals sa Western Conference.
Kaugnay nito, isang panalo na lamang ang kailangan ng Suns para umusad na rin sa next round.
Umiskor si Devin Booker ng 28 points na sinuportahan naman ni Deandre Ayton ng 20 points para ilampaso ang Mavs.
Bumawi sa kanilang deadly shooting ang Suns matapos na malasap ang dalawang unang talo.
Ginamit ng Suns ang big third quarter upang simulang tambakan ang Dallas na hindi na nakabangon pa.
Posibleng tapusin na ng Suns ang serye sa darating na Sabado doon sa balwarte ng Mavs.
Gayunman, sinasabing ang hometeam ay posible ring makabangon at ma-extend pa ang serye sa Game 7.