-- Advertisements --
Menardo Guevarra

Kampante ang Department of Justice (DoJ) na ilalabas na ng korte ang desisyon sa kaso ng mga sangkot sa madugong Maguindanao massacre bago ang ika-10 taong anibersaryo nito sa November 23, 2019.

Ayon kay Justice Sec. Menardo Guevarra, ito ay para maibigay na rin ang hustisya na matagal nang hinintay ng pamilya ng mga biktima.

Sa naturang massacre 58 ang namatay kabilang na ang 32 mamamahayag.

Una rito, kinumpirma ni Guevarra na nakumpleto na rin ang paglilitis ng Quezon City Regional Trial Court (RTC) sa Maguindanao massacre.

Sinabi ni Guevarra na noong July 17, 2019 nang matapos ang paglilitis at binigyan ang magkabilang partido nang hanggang Agosto 15 ng kanilang respective memorandum o written summation.

Pagkatapos nito ay maikokonsidera nang submitted for decision ang kaso mayroon man o walang memoranda ang mga partido.