-- Advertisements --

Nagpositibo sa COVID-19 si New York Knicks guard Derrick Rose.

Sinabi nito na inakala niya noong una ay simpleng lagnat lamang hanggang ito ay nagtagal ng ilang araw.

Huling naglaro ang 32-anyos na si Rose noong Pebrero 28 kung saan mayroon itong average na 12.5 points, 4.9 assists sa loob ng 10 laro.

Kakalipat lamang nito sa Knicks mula sa Detroit Pistons noong Pebrero.

Naging top overall pick si Rose noong 2008 NBA Draft na kinuha noon ng Bulls at nakuha ang Most Valuable Player award noong 2010- 2011 season.