-- Advertisements --

Niregaluhan ni Derek Ramsay ng isang bagong sasakyan ang maybahay nito na si Ellen Adarna.

Bagamat sa Nobyembre pa ang kanilang first wedding anniversary ay inagahan na nito ang pamimigay ng regalo.

Sa kaniyang social media ay makikita ang pagbibigay nito ng susi ng sasakyan sa asawa.

Sa pangalawang video ay makikita na minamaneho na ng dating sexy actress ang bagong sasakyan habang nakasakay ang actor.

Magugunitang ikinasal ang dalawa noong Nobyembre 11, 2021 sa Bagac, Bataan.