-- Advertisements --
Patuloy ang panawagan ng Department of Tourism (DOT) sa mga local government unit na tulungan ang tourism sector.
Ayon kay Tourismi Secretary Christina Frasco, na tuloy-tuloy ang ginagawa niyang pakikipagpulong sa mga iba’t-ibang opisyal ng mga sangay ng pamahalaan para maisapinal ang Tourism Developoment Plan ng bansa.
Layon ng nasabing mga pagpupulong ay magkaroon ng konsultasyon ang DOT sa bawat tanggapan ng pamahalaan ganun din sa mga local chief executives sa bansa para sa Tourism Development Plan ng bansa.
Ganun pa man ay ipinagmalaki pa rin ng kalihim na bumabalik na ang sigla ng turismo sa ating bansa matapos na ito ay pabagsakin ng COVID-19 pandemic.