-- Advertisements --

Mayroong livelihood training na isinagawa ang Department of Tourism (DOT) sa mga toursim worker sa Puerto Galera.

Layon nito na matulungan ang mga nasa sektor ng turismo sa lugar na apektado ng oil spill sa Oriental Mindoro.

Sinabi ni Tourism Secretary Christina Frasco, na sa nasabing paraan ay mabibigyan ng alternatibong kabuhayan ang mga tourism worker sa Puerto Galera.

Una ng sinabi ng mga local government unit ng Puerto Galera na hindi pa nakarating ang oil spill sa kanilang lugar.