-- Advertisements --
DOJ

Posible umanong hindi pa matuloy ang deportation kay Yuki Watanabe alyas “Luffy” na itinuturong mastermind sa mga serye ng robbery sa bansang Japan.

Ang suspek ay kasalukuyang nakaditine sa bansa at posibleng madiskaril ang pagpapa-deport dito dahil sa mga kinahaharap na kaso sa Southeast Asian country.

Si Watanabe ay sinampahan ng kaso dahil sa paglabag sa batas partikular sa violence against women and children.

Sinabi ng mga investigative sources na posibleng ang kasong isinampa kay Watanabe ay para n∱a rin maiwasan ang pagpapabalik sa kanyan sa Japan.

Hindi rin daw alam kung kailan naisampa ang mga kaso laban kay Watanabe.

Sinabi naman ni Department of Justice Sec. Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na pag-uusapan pa raw ang pagpapa-deport kay Watanabe kasama ang mga opisyal ng Japanese Embassy sa Manila.

Pero ang kinahaharap daw na kaso ng banyaga ang posibleng maging daan para hindi muna pauwiin ang suspek sa kanilang bansa.

Ito ay dahil wala naman daw extradition treaty ang bansang Japan at Pilipinas.

Maliban sa extradition ang deportation lamang ang posibleng paraan para mapauwi ito sa Japan pero kailangan ay tapos na ang kanyang kinahaharap na kaso sa bansa.

Una rito, hiniling daw ng Japanese police na mailipat si Watanabe at tatlong iba pang katao mula sa Japan.

Kasunod na rin ito ng arrest warrants dahil sa hinalang theft na may kaugnayan sa scam na target ang mga nakakatandang mga residente ng Japan.

Pinaniniwalaan din ng mga otoridad na ang apat ay ang nasa likod ng pagnanakaw na nagsimula noong nakaraang taon.

Ayon naman sa Japan National Police Agency, nasa 20 na kaso ng theft at robbery sa 14 prefectures ang kinahaharap ng suspek noong nakaraang taon.

Kinabibilangan ito ng murder-robbery sa 90-year-old na si Kinuyo Oshio sa kanyang bahay sa Komae City sa western Tokyo noong Enero 19.

Nasa 30 suspek na rin ang naaresto na may kaugnayan sa naturang krimen.