Inanunsiyo ng Department of Migrant Workers (DMW) na mananatiling suspendido ang deployment ng mga Pilipinong household service worker (HSW) o Kasambahay sa Pakistan.
Inisyu ng ahensiya ng naturang advisory kasunod ng kumalat na maling ulat na inalis na ng gobyerno ang deployment ban ng kasambahay sa Pakistan.
Ayon sa DMW, hindi muna ipagpapatuloy ang deployment ng mga household service worker sanasabing bansa sa oras na malagdaan na ang bilateral agreement sa pagitan ng dalawang bansa.
Ang kasunduang ito ay titiyak sa proteksiyon ng domestic workers na idedeploy sa Pakistan.
Sa ngayon base sa inilabas na advisory ng DMW na tanging ang mga professional, skilled at semi-skilled workers ang papayagang ma-dploy sa Pakistan.
Matatandaan noong 2018 na sinuspende ng Pilipinas ang deployment ng mga kasambahay sa Pakistan kasunod ng rekomendasyon ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad.