-- Advertisements --

Inaasahan na magkakaroon pansamantala ng total deployment ban ng mga OFWs sa Ukraine sa harap nang militarisasyon ng Russia doon, ayon sa OWWA.

Sinabi ni OWWA administrator Hans Leo Cacdac na ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) ang siyang maglalabas kung sakali ng total deployment ban sa Ukraine.

Marso 7 nang itinaas ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang Alert Level 4 sa Ukraine dahil sa kasalukuyang sitwasyon doon.

Nabatid na halos 400 na mga Pilipino ang nanirahan sa Ukraine at magmula nang magkaroon ng giyera doon, ilang dosena sa mga ito ang naiuwi na ng pamahalaan ng Pilipinas.

Ayon sa DFA, 169 Pilipino na ang lumikas magmula nang inilunsad ng Russia ang kanilang operasyon sa Ukraine noong Pebrero.

Nasa 114 Pilipino naman ang repatriated magmula nang mangyari ang invasion ng Russia, ayon kay Cacdac.