-- Advertisements --
OFW KUWAIT

Inanunsiyo ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) na tinaggal na ang deployment ban ng overseas Filipino workers (OFWs) sa Sri Lanka.

Ito ay matapos na ibaba na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang alert level sa South Asian country sa level 1 o precautionary phase na lamang.

Ayon sa Philippine Embassy sa Bangladesh, ibinaba na ang alerto sa bansa dahil na rin sa gumagandang sitwasyon na sa naturang bansa.

Kung maaalala, dumanas nang malalang krisis sa ekonomiya ang Sri Lanka mula sa unang bahagi ng kasalukuyang taon na nagresulta sa pansamantalang pagpapatigil sa deployment ng mga OFWs sa Sri Lanka.

Base sa data mula sa gobyerno, mayroong 581 Pilipino ang nasa Sri Lanka mula noog Hulyo hnaggang Disyembre noong 2021.