-- Advertisements --

Inanunsiyo ng Social Security System (SSS) na maaari ng makapagsumite ng death benefit claims ang mga dependent na legal spouse na existing member ng SSS sa pamamagitan ng online.

Ayon kay SSS president at CEO Michael Regino, ang pagsama sa death benefit application sa kanilang online services ay bahagi ng digital transformation efforts ng SSS para tiyakin na ang kanilang serbisyo ay maging accessible 24/7.

Kailangan din ng mga applicants na mag-enroll sa kanilang disbursement accounts sa My.SSS Portal para sa cashless na paglalabas ng kanilang benepisyo para sa mga recipients.

Subalit ayon sa state-run pension funs, tanging ang mga kwalipikadong legal spouses ay dapat hindi re-married, o nasa live-in relationships bago o matapos na masawi ang isang miyembro.

Maaari namang bisitahin ang official FB at Youtube account ng SSS para sa detalye ng online filing ng Social Security (SS) at Employees’ Compensation (EC) death benefit claims.