CAGAYAN DE ORO CITY – Pansamantalang pinapatigil ng Department of Health 10 ang ‘school days feeding program’ ng Department of Education na n ipinapatupad sa publikong mga paaralang elementarya ng Bukidnon.
Kasunod ito sa napaulat na pagkalason umano ng 69 mag-aaral subalit 38 lang sumailalim ng data gathering at 16 ang hospital admitted sa provincial hospital ng Kibawe town ng probinsya.
Sa panayam ng Bombo Radyo, inihayag ni Jasper Kent Ola,RN na pinuno ng DoH -10’s Regional Epidemiology Surveillance and Disaster Response Unit (RESDRU) na nagmula ang mga biktima sa Silahis Elementary School kung saan inalayan ng DepEd ng libreng foodpacks ang mga mag-aaral sa lugar.
Batay sa inisyal na imbestigasyon,nakaranas ang mga biktima ng pananakit ng tiyan,pagsusuka at hinimatay kaya mabilisan dinala sa pagamutan ang mga ito.
Bagamat ligtas ang lahat ng mga biktima na tinamaan ng umano’y pagkalason habang hinihintay pa ang official findings ng Food and Drug Administration at Research Institute for Tropical Medicine patungkol sa sinapit ng mga biktima noong petsa 21 ng Marso 2024.