-- Advertisements --

Nakatutok pa rin ang Department of Education (DepEd) sa kaligtasan ng mga student-athlete na lumalahok sa Palarong Pambansa 2023 sa lungsod ng Marikina.

Sinabi ni DepEd Assistant Secretary at Palarong Pambansa 2023 Secretary General Francis Bringas na binabantayan nila ang mga lagay ng kalahok.

Isang inihalimbawa nito ang pagka-tumba ng isang student boxer sa laban nito kung saan ayon sa opisyal ay agad naman nila itong nabigyan umano ng atensyon medical.

Nananatiling nakaantabay ang mga medical team sa lugar na agad namang tumutugunan sakaling mayroong injuries na matamo ang mga mag-aaral na atleta at maging ang mga manonood at mga guro.