Tiniyak ng Department of Education (DepEd) ang kahandaan ng kanilang mga personnel na tutulong sa May 9, 2022 national and local elections.
Ayon sa DepEd na bilang kahandaan sa Election Task Force (ETF) 2022 ay kanilang pinapriotized nila ang health, safety ng kanilang mga personnel.
Sianbi naman ni Director IV and ETF Head Atty. Marcelo Bragado, Jr.na mayroong kabuuang 657,812 na mga DepEd personnel ang magsisilbi sa halalan.
Sa nasabing bilang aniya ay 319,317 dito ay miyembro ng electoral boards (EB) 200,627 ay EB support staff, 38,989 ay DepEd Supervisor Official (DESO); 87,162 ay mga DESO Support Staff at 1,717 ay mga DepEd members of the Board of Canvassers.
Mahigpit din ang kanilang pakikipagkoordinasyon sa Commission on Elections, PNP at Armed Forces of the Philippines.