-- Advertisements --
download 1 4

Inihayag ng DepEd na ang komite na binuo upang hawakan ang paglipat ng 14 na paaralan mula Makati patungo sa Taguig ay inaasahang maglalabas ng mga alituntunin sa kanilang paglipat ngayong buwan.

Sinabi ni Department of Education (DepEd) spokesperson Michael Poa, mayroon ng transition plan ang binuong komite.

Matatandaan na noong Agosto, inako ng DepEd ang awtoridad sa 14 na paaralang apektado ng territorial row sa pagitan ng Makati at Taguig.

Ang hakbang na ito ay dumating habang ang mga paaralan ay nasangkot sa hindi pagkakaunawaan ilang linggo bago ang pagbubukas ng school year 2023-2024.

Upang mahawakan ang proseso ng paglipat, bumuo ang DepEd ng isang transition committee na binubuo ng isang regional director, ang DepEd schools division superintendents ng Taguig-Pateros at Makati, at ang mga legal officers ng parehong lungsod.

Sinabi ni Poa na ang komite ay nagkakaroon ng regular na pagpupulong upang mapabilis ang paglipat at matiyak na magiging maayos at tama ang gagawing mga proseso.