Humingi na ng paumanhin ang Department of Education (DepEd) matapos kumalat sa social media ang isang module na naglalaman ng isang halimbawa kung saan tinawag si Angel Locsin na obese o ‘yaong sobrang taba.
Ayon kay Roger F. Capa, nagsisilbing superintendent ng DepEd Division sa Occidental Mindoro, napag-alaman sa kanilang imbestigasyon na “teacher-made assessment” ang nasabing module at hindi gawa ng kanilang Central Office.
Dagdag pa ng nasabing DepEd official na may kalayaan ang isang guro na gumawa ng assessment materials para sa kaniyang mga estudyante ngunit iba ang naging sitwasyon ngayon dahil hindi nasunod ang kanilang “standards.”
Sa ngayon aniya ay nakausap na nila ang guro at bibigyan nila ng karamptang atensyon ang insidente dahil hindi nila kinukunsinti ang mga bagay na may kaugnay sa pangungutya o bullying.
“We would like to express our sincerest apology to the concerned individuals who may have been offended or harmed by this incident. The Department of Education does not tolerate nor condone any act of body shaming, ad hominem or any similar act of bullying both in the physical and virtual environments,” giit ni Capa. “Meanwhile, we appeal to the public to spare him from any ad hominem attacks as this single mistake will not define him as a person.”
Sa panig ng 35-year-old actress, tila hindi ito kontento sa naging pagdepensa ng kagawaran.
Ayon kay Angel, hindi naman big deal ang panglalait sa kanyang pagkatao pero nangangamba ito sa maling grammar sa naturang halimbawa.
“Angel Locsin is an obese person. She, together with Coco Martin eats fatty and sweet food in Mang Inasal fast food restaurant most of the time. In her house, she always watching television (sic) and does not have any physical activities.”
Direkta pang naka-mention ang DepEd sa kanyang Facebook page, kung saan pinuna nito ang aniya’y bad behavior ng ahensya.