-- Advertisements --

LA UNION – Nakahanda na ang Department of Education (DepEd) Region 1 sa pagbubukas ng klase ng mga estudyante sa Agosto 24 kasunod ng pahayag ni DepEd Secretary Leonor Briones noong Martes, Mayo 5.

Sa panayam ng Bombo Radyo La Union kay DepeEd Region 1 public affairs unit head Cesar Bucsit, sinabi nito na maliban sa virtual set-up o online class ay tinitingnan rin nila ang posibilidad ng physical class.

Sa ilalim ng physical class system, magkakaroon ng face to face interaction ang mga estudyante sa kanikanilang guro per batch para mapanatili ang physical distancing.

Sa mga walang access sa internet, siniguro ni Bucsit na magkakaroon ng hardcopy printed materials ang mga mag-aaral.

Nilinaw pa ni Bucsit na ang enrolment ng mga estudyante ay kukunin sa ginawang early registration.

Ayon pa kay Bucsit na ang pagbubukas ng klase sa Agosto 24 ay napagdesisyunan ng buong bansa mula sa mga concerned citizens at hindi lamang sa DepEd.

Sa ngayon, inaaral pa ng DepEd kung isasama ang araw ng Sabado sa pag-aaral ng mga estudyante at inaantay pa ang resulta nito.