DepEd, pinag-iingat ang mga paaralan at komyunidad laban sa Dengue
Loops: Dengue, pupils, DepEd
Pinag-iingat ng Department of Education ang mga paaralan at mga komyunidad laban sa sakit na Dengue.
Ito ay kasabay pa rin ng mga pag-ulang naitatala sa malaking bahagi ng bansa, kung saan inaasahang dadami ang mga breeding grounds para sa mga lamok na silang nagdadala ng dengue.
Palala ng DepEd sa mga paaralan na ugaliin ang paglilinis sa kapaligiran upang matiyak na walang mapapangitlogan ng mga lamok.
Pinapayuhan din ng kagawaran and mga mag-aaral na protektahan ang sarili sa pamamagitan ng paglalagay ng mga insect repellents at pagsusuot ng long sleeves at mahahabang medyas.
Paalala ng DepEd sa mga ito na agad komunsulta sa mga clinic o health center, sa oras na makaramdam ng sintomas, katulad ng dengue, lagnat, at rashes.
Samantala, inirerekomenda rin ng kagawaran ang responsableng fogging o pagpapa-usok sa mga lugar na may mataas na insidente ng dengue.