-- Advertisements --
Muling nilinaw ni DepEd spokesman Atty. Michael Poa na hindi magiging sapilitan ang mga patakaran ng paggamit ng uniform at civilian clothes para sa mga estudyante sa darating na face to face classes.
Ayon kay Poa, ang mga may uniporme ay maaari pa rin itong magamit, habang ang mga wala naman nito ay hindi na oobligahing bumili ng bago.
Alinsunod umano ito sa pahayag ni Vice President at DepEd Sec. Sara Duterte, upang mabawasan ang gastusin ng mga magulang.
Hinikayat din nila ang publiko na idulog sa kanila ang anumang sumbong ukol sa mga opisyal ng paaralan na patuloy na igigiit ang kani-kanilang uniform policy.
Sa kasalukuyan, wala umanong pagbabago sa plano ng DepEd na buksan ang klase sa darating na Agosto 22, 2022.