Iniulat ng Department of Education (DepEd) na mahigit 11.8 milyong mag-aaral na ang nakapag-enrol para sa School Year (SY) 2023-2024.
Ito ay sa mahigit isang linggong lumipas mula nang magsimula ang enrollment period sa mga pampublikong paaralan.
Ayon sa pinakahuling datos mula sa DepEd, 11,820,159 na mga mag-aaral ang nag-enroll para sa paparating na school year, na nakatakdang magsimula sa mga pampublikong paaralan sa Agosto 29.
Batay sa Learner Information System (LIS) Quick Count para sa SY 2023-2024, naitala ng National Capital Region (NCR) ang pinakamataas na bilang ng enrollment sa ngayon, na may 1,816,469 na mag-aaral.
Ang Calabarzon ay may 1,762,095 mag-aaral at ang Central Luzon na may 1,378,741 mag-aaral.
Nagbigay ng paalala ang DepEd sa mga magulang, tagapag-alaga, at mag-aaral na ang enrollment period, na nagsimula noong Agosto 7 at mananatiling bukas hanggang Agosto 26 ang enrollmen period.
Bukod dito, pinaalalahanan din ng DepEd ang mga mag-aaral ng Alternative Learning System (ALS) na maaari silang magparehistro sa kani-kanilang barangay, community learning centers, o sa pinakamalapit na pampublikong paaralan.