-- Advertisements --

Kasalukuyang tinitingnan na ng Administrasyon ng Department of Education (DepEd) ang iba’t ibang paraan para matugunan ang subject of unremitted premiums and contributions.

Simula Pebrero 2023, nagsasagawa na ng regular meetings ang DepEd kasama ang Government Service Insurance System para malutas ang lahat ng teaching and non-teaching personnel concerns.

Sa katunayan umano, noong Setyembre 25, 2023, kung matatandaan, isang Memorandum of Agreement (MOA) ang ginawa sa pagitan ng Kagawaran ng Edukasyon at ng naturang Service Insurance System para i-streamline ang services para sa kanilang mga tauhan.

Kasama sa MOA ang pagtatalaga ng mga GSIS account officers na eksklusibong tutugon sa mga usapin ng kagawaran.

Ang naturang reconciliation activities sa Government Service Insurance System ay nagpapatuloy ngayon sa Central, Regional, at Division level ng DepEd.

Binigyang-diin din ng DepEd na alam ng Commission on Audit (COA) ang mga ginagawa nilang hakbang para maresolba na ang usaping ito, kaya naman sa kaparehong Consolidated Annual Audit Report, nag-render ang COA ng Unqualified/Unmodified Opinion pabor sa DepEd, ito ang pinakauna sa kasaysayan ng kagawaran ng edukasuyon.

Ayon sa Department of Education hindi sila titigil sa paghahanap ng mga pangmatagalang estratehiya na kapaki-pakinabang sa kanilang mga dedikadong empleyado at manggagawa.