Ipagpapatuloy pa rin ng Department of Education (DepEd) ang kanilang paghahanda para sa pilot run ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, malaki ang maitutulong ng pagpayag sa limited in-person classes para sa mga mag-aaral na walang gadgets o guardians sa kanilang bahay sa gitna ng umiiral na blended o distance learning system.
Noong Enero, inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang face-to-face classes pilot implementation sa mga low-risk areas pero binawi rin kalaunan dahil sa bagong COVID-19 variants.
Gayunman, sinabi ni Malaluan na nanatili pa rin silang nakikipag-ugnayan sa Department of Health para sa pagbuo ng guidelines sa oras payagan na ni Pangulong Duterte ang pilot run ng face-to-face classes.
Nauna nang sinabi ng DepEd na target nilang makapagsagawa ng pilot study sa face-to-face classes sa 100 paaralan.