-- Advertisements --

Nagpaabot din ng suporta ang Department of Education (DepEd) sa balakin ng Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na maging requirement na ng senior high school students ang military training.

Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa suportado nila ang panukala na ang ibalik ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) bilang mandatory.

Naniniwala umano sila na ang ganitong program ay naayon sa isa sa mga core values ng kagawaran para sa promosyon na maging makabayan ang mga estudayante.

Una nang sinabi ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na kinakailangan nilang makipag-usap muna sa Kongreso at sa Commission on Higher Education upang pag-usapan ang detalye ng panukala.

Kung maalala noong taong 2002 ang ROTC program ay ginawa na lamang optional matapos ang controversial na pagkamatay ni Mark Chua, isang estudyante ng University of Santo Tomas na umano’y napatay ng kapwa cadet officers dahil sa expose sa corruption ng naturang programa.