-- Advertisements --

Bagamat naiintindihan ng Department of Education (DepEd) ang sintimiyento ng mga guro sa nalalapit na halalan ay obligasyon daw ng mga teachers ang magsilbi sa nalalapit na halalan sa Mayo 9.

Sa panayam ng Bombo Radyo Philippines kay DepEd Usec. for curriculum and Instruction Diosdado San Antonio sinabi nitong sinusunod lamang daw nila ang ang minamandato ng Civil Service Commission (CSC).

Una rito, may mga grupo ng guro na nagrereklamo dahil kailangan na nilang magreport sa Mayo 2 hanggang 13.

Kasabay nito ay wala na ring klase ang mga estudyante bilang paghahanda sa national at local elections.

Samantala, umaasa naman ang DepEd na mapagbibigyan ang hirit nilang tanggalin na ang tax sa mga insentibo ng mga gurong magsisilbi sa halalan bilang board of election inspectors (BEIs).