-- Advertisements --
Screenshot 2019 06 06 12 27 30
IMAGE | Bacoor National High School/Perkins Twins

Patuloy ang pag-depensa ng Department of Education (DepEd) matapos ulanin ng batikos dahil sa kawalan umano ng aksyon sa isang public school na faculty room ang palikuran ng paaralan.

Ayon kay Education Sec. Leonor Briones may mga kokretong hakbang ng ginawa ang kagawaran para matugunan ang problema.

“Concrete steps have been undertaken to resolve any conflict, in the interest of orderly operations of the school,” ani Briones sa isang statement.

Aminado ang DepEd na malaki ang naging epekto ng kanilang desisyon na ilipat sa single-shift ang mga klase ngayong school year dahil ilang faculty rooms ang kinailangan i-convert bilang classroom.

Paglilinaw ni Briones, mismong mga guro na nagsumbong sa social media ang pumili na i-convert bilang faculty room ang isang cr ng Bacoor National High School.

Ito’y kahit mismong principal na raw nito ang nag-presentang gamitin na lang ang kanilang library, guidance center at advisory classrooms bilang faculty room.

Sa ngayon nag-issue na raw ng memorandum ang school principal para lisanin ng mga guro ang palikuran na ginawang opisina.

“The Department would like to ensure that the resulting temporary arrangement will be acceptable to all concerned.”

“The Department would like to ensure that the resulting temporary arrangement will be acceptable to all concerned.”