-- Advertisements --

Plano ng Department of Education (DepEd) na magpatupad ng incentive program para sa mga guro na bakunado na kontra COVID-19.

Ayon kay DepEd Director Malcom Garma, bumuo na ng komite si Secretary Leonor Briones na siyang bahala sa incentives na maaring matanggap ng mga fully vaccinated nang guro.

Marami na rin kasi aniyang mga indibidwal, local government units, at ahensya ang nag-aalok ng incentives para mahimok ang maraming mga tao na magpabakuna.

Mababatid na sa Nobyembre 15 sisimulan ang pilot implementation ng limited face-to-face classes sa harap ng COVID-19 pandemic.