-- Advertisements --

Naglunsad ng imbestigasyon ang Department of Education sa ginanap na surpresang fire drill sa paaralan sa Cabuyao City, Laguna na nagresulta sa pagkaka-ospital ng mahigit 100 estudyante dahil sa pagkagutom at uhaw.

Sinabi ni DepEd spokesperson Michael Poa na nais nilang malaman ang ibang mga detalye at ilang mga pagbabago para hindi na maulit pa ang pangyayari.

Pangunahing concern nila ngayon ay kung ano ang kondisyon ng mga mag-aaral ng Gulod National Highschool.

Sa mga itinakbo sa pagamutan ay 79 na sa mga dito ay nakauwi na nitong Biyernes habang mayroong 2 pa ang nananatili sa pagamutan.

Ipinag-utos naman ni Cabuyao Mayor Dennis Hain ang temporaryong suspension ng pagsasagawa ng fire drills sa mga private at public schools para hindi na maulit ang insidente.