-- Advertisements --

Nakatanggap ang Department of Education (DepEd) ng ilang reklamo kaugnay sa pagbebenta ng mga tauhan ng paaralan at pag-aatas sa mga mag-aaral na bumili ng mga booklet o workbook para sa Catch-Up Fridays, gayundin sa iba pang aktibidad sa paaralan.

Muling binigyang diin ng kagawaran na ang mga ganitong gawain ay mahigpit na ipinagbabawal. Ang Catch-Up Friday at iba pang mga aktibidad sa paaralan ay hindi dapat kasangkotan ng mga gastos na mula sa bulsa. Pinaalalahanan ang mga magulang at mag-aaral na huwag tanggapin ang mga hindi awtorisadong transaksyon.

Sa ngayon sinisimulan na ng DepEd ang imbestigasyon sa usapin. Ang sinumang indibidwal na mapatunayang nagkasala ng naturang pamamaraan ay mahaharap sa naaangkop na mga parusang administratibo.

Hinihikayat naman ng DepEd ang publiko na direktang iulat ang mga katulad na insidente sa Opisina ng Kalihim sa osec@deped.gov.ph.