-- Advertisements --
Inaasahan na ng Department of Education (DepEd) ang pagkakahawaan ng mga guro at mag-aaral ng COVID-19 sa pagsisimula ng face-to-face classes.
Ayon kay DepEd spokesperson Atty. Michael Poa na gaya ng mga establishimento at opisina na nagsimula ay hindi maiiwasan ang pagkakahawaan.
Tiniyak din nila na patuloy ang ginagawa nilang monitoring kung naipapatupad ba ang obserbasyon ng minimum public health standards.
Magugunitang maraming mga guro at ilang mag-aaral ang nakaranas ng sintomas ng COVID-19 mula ng simulan ang face-to-face classes.