-- Advertisements --
image 39

Ipinaliwanag ng Department of Education (DepEd) kung paano nito ginastos ang P150 million confidential funds nito.

Ayon kay DepEd spokesperson at Undersecretary Micahel Poa, bahagi ng mandato ng DepEd na magbigay ng ligtas na kapaligiran para sa mga estudyante.

Aniya, ilan sa mga isyu na kinakaharap ng mga guro at mga mag-aaral ay sexual abuse, pangre-recruit ng mga bayolente at ekstremistang grupo, teroristang grupo, komunistang rebelde at mga insidente may kinalaman sa iligal na droga.

Kung kayat humihiling aniya ang ahensiya ng confidential funds para makakalap ng impormasyon kung saan talamak ang mga ganitong iligal na gawain.

Una ng inihayag ni VP Sara Duterte na ang pangangailangan at layunin ng confidential funds sa DepEd ay dahil nakatali ang basic education sa seguridad ng bansa.