Hinimok ng Teachers’ Dignity Coalition (TDC) si Vice President at Department of Education Secretary Sara Duterte-Carpio na ilipat sa mid-September o early October ang pagsisimula ng klase para sa School Year (SY) 2022-2023.
Layunin nito ay upang makapagpahinga ng sapat ang mga guro.
Ang kahilingang ilipat ang pagbubukas ng papasok na school year na naglalayong matiyak na magkakaroon ng sapat na pahinga ang mga guro bago humarap sa panibagong school year.
Ayon kay TDC National Chairman Benjo Basas na sa simula, ang mga guro ay may karapatan sa dalawang buwang bakasyon, ito ay upang mabigyan sila ng sapat na pahinga, pisikal, emosyonal, at mental.
Hindi tulad ng ibang empleyado, sinabi ni Basas na walang sick and vacation leave ang mga guro.
Sa ceremonial turnover noong Hulyo 4, inihayag ng dating pamunuan ng DepEd na magsisimula na ang klase para sa papasok na SY sa Agosto 22.