-- Advertisements --

Hinamon ng Department of Education (DepEd) si presidential candidate at Senator Manny Pacquiao na pangalanan ang opisyal mula sa ahensiya na sangkot umano sa korupsyon.

Sa isang statement, sinabi ng kagawaran na moral duty ng butihing senador na bilang isang kandidato para sa mataas na posisyon sa gobyerno na pangalanan at tukuyin at hindi sa pangakalahatan para mapabagsak ang buong isntitusyon ng DepEd.

Iginiit ng ahensiya na mapanganib para sa Senador para atakihin ang integridad ng kagawaran kung saan ang mga personnel ng ahensiya ay magsisilbi bilang poll wiorkers sa May 9 elections.

Nakita ng kagawaran na nararapat na kasuhan ang mga kilalang sangkot dito at alisin ang mga napatunayang nagkasala. Samakatuwid,hindi aniya oras upang kondenahin ang buong institusyon.

Ayon pa sa kagawaran ang pagakusa sa maling gawain ng walang hawak na ebidenisy at hindi pagpapangalan ay katumbas aniya ng false accusatio.

Naunarito, sa inorganisang panayam ng Commission on Elections katuwang ang Kapisanan ng mga Broadcaster ng Pilipinas noong Biyernes, isiniwalat ni Sen. Pacquiao na aware ito sa isang opisyal ng DepEd na tumatanggap umano ng komisyon mula sa mga proyekto ng kagawaran.

Aniya, mayroon umanong kakilala ang Senador na hindi pumapayag ng 40 na porsyento lamang ang mapunta sa hindi pinangalanang opisyal ng kagawaran.

Iginiit pa ng senador na kaniyang ipapakulong ang lahat ng mga kawatan ng walang pagkiling anuman ang posisyon sa gobyerno.

Isa ang pag-review sa lahat ng govenment contracts para matiyak na walang iregularidad sa mga prayoridad ni Senator Pacquiao sakaling mahalal ito bilang Pangulo.