Naglabas ng advisory ang Department of Education (DepEd) na nagbabala sa mga guro labansa car loan scam na tinatawag na Labas casa o Assume Balance/Loan Accommodation.
Sinabi ng DepEd na nadiskubre nito ang ilang mga kaso ng scam target ang mga guro sa mga pampublikong paaralan.
Ayon pa sa departamento, mayroong 29 na kasi na kasalukuyang inihain laban sa mga salarin sa likod ng fraudulent scheme na nagmula sa Pampanga base sa inisyal na imbestigasyon.
Ilang buwan ang nakalipas, humingi ang mga guro ng tulong mula sa Presidential Anti-Organized Crime Commission matapos na mabiktima ng naturang scheme para mag-aplay sa car loan kapalit ng ilang halaga kabilang ang downpayment para sa unit at pinangakuan ng income sa transport network vehicle service bilang insentibo kapag naaprubahan ang loan.
Subalit kalaunan tinakasan ng mga suspek ang mha biktima sa oras na maiturn-over na sa kanila ang mortgaged cars na naglalagay sa mga biktima na malugmok sa problemang pinansiyal.
Nangako naman ang DepEd sa pakikipagtulungan sa mga awtoridad na kanilang huhulihin ang mga nasa likod ng scheme at magsasagawa ng debriefing, counseling at psychological first aid sa mga biktimang guro.