-- Advertisements --
deped
Students wearing protective masks join a school activity in Manila, Philippines on Friday, Jan. 31, 2020. The World Health Organization declared the outbreak sparked by a new virus in China that has spread to more than a dozen countries a global emergency after the number of cases spiked more than tenfold in a week, including the highest death toll in a 24-hour period reported Friday. Health officials in the country recently confirmed the Philippines’ first case of the new virus. (AP Photo/Aaron Favila)

Iniulat ni Department of Education (DepEd) Assistant Secretary Francis Bringas na all systems go na ang ahensiya para sa pagbubukas ng academic year 2023-2024 simula bulas, Agosto 29 ng kasalukuyang taon.

Sa datos ng DepEd noong Agosto 27, mahigit 22 million mag-aaral mula sa tinatayang 28 million ang nakapag-enroll na para sa nalalapit na academic year.

Kung saan nasa 19 million dito ay mula sa pampublikong paaralan habang nasa 3 million ay mula sa mga pribadong institusyon.

Ang Calabarzon ang nakapagtala ng pinakamataas na bilang ng enrollees na nasa mahigit 3.4 million, sinundan ito ng Central Luzon na may mahigit 2.5 million at National Capital Region na may mahigit 2.4 million na ang nakapag-enroll.

Bagamat natapos na aniya ang enrollment noong Agosto 26, ayon kay Bringas posibleng tumaas pa ang bilang ng enrollees ngayong linggo dahil sa mga humahabol na enrollees.

Ang pagbubukas ng klase ay sa gitna ng kakulangan ng mga silid-aralan na patuloy na problema sa sektor ng edukasyon sa bansa.

Kaya naman sa ilalim ng panukalang pondo para sa 2024, ipinanukala ng DepEd ang nasa P10 billion para makapagpatayo ng 7,100 silid-aralan na malayo naman mula sa kulang pa na 159,000 classrooms sa buong bansa kabilang dito ang mga pasilidad na nasira dahil sa mga kalamidad.

Para matugunan ito, ikinokonsidera ng DepEd ang pag-institutionalize ng blended learning bilang pangmatagalang solusyon.