-- Advertisements --
EDSA TRAFFIC

Binigyang pansin ng Department of Transportation ang ride-hailing firm ng mga Transportation Network Vehicles upang dagdagan ang supply ng land-based na transportasyon para sa mga darating na internasyonal na pasahero kasunod ng mga reklamo sa kakulangan ng mga opsyon sa paliparan.

Nagsisimula na kasing dumagsa ang mga tao mula sa iba’t ibang mga lugar na galing na din sa ibang bansa upang umuwi ng kani-kanilang mga probinsiya upang magdiwang ng kapaskuhan.

Dagdag dito, marami na ang mananakay sa mga pampasaherong sasakyan partikular na sa mga bus at taxi lalung-lalo na sa Metro Manila.

Kaya naman, hinimok ng Dept of Transportation ang ilang mga transport network vehicles na palawigin pa o dagdagan ang mga bumabiyaheng pampasaherong sasakyan dahil paniguradong bubuhos na ang mga pasaherong bibiyahe.

Una na rito, mahigpit pa ding nagpapaalala ang departamento para sa publiko na asahan na daw ang pagiging crowded sa lahat ng mga sakayan ngunit hangga’t maaari ay panatilihin pa din umano ang health protocols kaugnay pa din ng Covid19 virus.