Binatikos ng Alliance of Concerned Teacher (ACT) ang Department Order 49 ng Department of Education (DepEd).
Ayon kay ACT Secretary General Raymund Basilio, mistulang binubusalan nito ang mga guro sa pagpapa-abot ng kanilang mga hinaing at kakayahang mag-organisa.
Aniya, tinatanggal nito ang karapatang makapagsalita.
Sa ilalim ng naturang kautusan, pinagbabawalan ang mga empleyado ng DepEd at mga opisyal na mag-post online ng kanilang mga pag-atake laban sa kapwa DepEd employees.
Iminungkahi ni Basilio na kailangang ayusin ng ahensiya ang kanilang grievance mechanism upang agad maaksyunan ang kanilang ipinaparating na reklamo.
Nangunguna umano sa concern ngayon ng mga guro ang kanilang workload, kakulangan sa sapat na gamit sa paaralan bagay na napipilitan ang mga itong mag-solicit o gumastos ng sariling pera at ang ligtas na pagpapatupad ng in-person classes.
Sa kabilang daku, tinawag pa Basilio na nonsense ang DO 49.
Sumusunod naman umano ang mga guro sa codes of ethics sa ilalim ng Republic Act 6713 o Code of Conduct and Ethical Standards for Public Officials and Employees at R.A. 7836 o Philippine Teachers Professionalization Act of 1994.