-- Advertisements --
NAIA Terminal 3

Planong bumili ng backup uninterruptible power supply (UPS) ang Department of Transportation (DOTr) kasunod ng nangyaring technical issues sa air traffic management system ng bansa noong bagong taon na nagresulta sa pagkaantala ng flights sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Una rito, nasira umano ang UPS na nagresulta sa pagkaantala ng mga operasyon ng lahat ng mga paliparan na tumagal ng nasa limang oras.

Sa ngayon, kapwa iniimbestigahan na ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) at Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nasabing insidente.

Pagbabahagi pa ni Transportation Secretary Jaime Bautista na nais ng pamahalaan na bumili ng isa pang backup UPS habang hindi naman aniya kailangan pang palitan ang UPS na pumalya sa halip ay i-repair na lamang.

Ayon pa kay Bautista, may sapat namang pondo ang ahensiya suablit kailangan munang dumaan sa procurement process.

Nakatakda namang magsagawa ng briefing ang House Committee on Transportation sa araw ng martes kaugnay sa nasabing insidente.