-- Advertisements --
image 284

Todo panawagan ngayon ang Department of Transportation (DOTr) sa mga bibiyahe sa Undas na maghanda nang mas maaga.

Ayon kay Transportation Usec. Mark Steven Pastor, dapat daw ay ma-book ang mga bibiyahe ng kanilang ticket nang mas maaga sa petsa ng Undas ngayong taon.

Asahan na raw kasi ang pagbuhos ng mas maraming commuters ngayong taon dahil sa mas maluwang na restrictions ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) maging ng long weekend.

Sinabi ni Pastor na mas bentahe raw kapag nagpa-book ng mas maaga mara maiwasan ang mahabang pila sa mga ticket booth pagdating ng araw kung kailan sila bibiyahe.

Nanawagan din ito sa mga bibiyahe na magdala na lamang ng kaunting bagahe para maging mas komportable sa pagbiyahe.

Nag-abiso rin si Pastor sa mga bibiyahe na ang buhos ng mga bibiyahe ay sa Biyernes October 28 hanggang sa araw ng Sabado o sa October 29, 2022.

Nagsagawa na rin ang Department of Transportation ng inspection sa mga terminal.

Nanawagan na rin ang undersecretary sa mga transport operators na regular na i-check ang kanilang mga sasakyan para masiguro na ligtas ito para sa public use.

Inatasan din nito ang mga transport operators na dapat ay masunod pa rin ang safety protocols na itinakda ng pamahalaan sa pagsakay ng mga public transportation gaya ng pagsusuot ng facemasks.

Nakipag-ugnayan na rin daw ang iba pang operators sa iba pang ahensiya na nasa ilalim ng DOTr gaya ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) para sa mga permit sa karagdagang biyahe ngayong Undas.

Kabilang sa mga destinasyon na sakop ng special permits ang Baguio, Vigan, Tuguegarao, Naga, Sorsogon, at Masbate.

Kung maalala, noong nakaraang linggo nang ideklara ng Malacanang na ang araw ng Luens October 31, ay isang special non-working holiday na sinundan ng November 1 na isa ring special non-working holiday.

Kung maalala, idineklara noon ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang araw ng Miyerkules na Nobyembre 2 bilang working day sa magkasunod na dalawang taon.