-- Advertisements --
image 231

Kinumpirma ng Department of Tourism na mayroon pa ring mga hotel na ginagamit bilang COVID-19 quarantine o isolation facility.

Sa budget debate at deliberations ng ahensiya, nagtanong si ACT Teachers PL Rep. France Castro tungkol sa mga hotel na ginagamit pa rin kaugnay sa pagtugon sa COVID-19 pandemic. At dagdag niyang tanong, hanggang kailan gagamitin ang mga hotel na ito.

Sagot ni Isabela Rep. Faustino “Inno” Dy, na siyang sponsor ng DOT 2023 budget, aabot sa 141 quarantine hotels ang nakarehistro sa Tourism Department.

Pero ang kasalukuyang ginagamit ay nasa 25 na lamang, habang mayroong 116 na naka-standby bilang “multi-use hotels” sakaling kailanganin na magdagdag pa.

Sinabi ni Dy, hangga’t nire-require ng Inter-Agency Task Force o IATF ay magpapatuloy ang paggamit sa quarantine o isolation hotels.