Inihayag at nilinaw ng Department of Social Welfare and Development na hindi ito namamahagi ng “relief allowances” para sa mga senior citizens.
Ayon kay Miramel Garcia-Laxa, DSWD assistant bureau director, ito’y matapos na banggitin ang reklamo ng isang concerned citizen na nakatanggap ng text message tungkol sa “unclaimed” relief allowances mula sa departamento.
Aniya ito ay ipinasa umano ng concerned citizen at nag-udyok sa ahensya na maglabas ng advisory na maging extra vigilant at huwag i-entertain ang mga text messages tungkol sa hindi na-claim na relief allowances dahil wala naman umanong ganitong proyekto.
Dagdag ni Laxa, huwag kaagad maniwala sa mga text messages ng mga reliefs partikular na kung ito ay may kinalaman sa Department of Social Welfare and Development.
Kung matatandaan, naglabas ang naturang departamento ng advisory hinggil sa mga text message scam na nakapalibot sa tinatawag na relief allowances.
Pinaalalahanan ng DSWD ang publiko na iwasang makipag-ugnayan sa mga hindi kilalang indibidwal at magbigay ng sensitibong personal na impormasyon sa pamamagitan ng text message, email, o tawag sa telepono.
Kaugnay niyan, ang ahensya ay may mga lehitimong programa para sa mga senior citizen, tulad ng Assistance to Individuals in Crisis Situations, na nangangailangan ng financial, medical, burial at educational assistance, na maaaring ma-avail sa pamamagitan ng pagsusumite ng mga documentary requirements.
Una rito, sinabi ng ahensya na ang tulong na ito ay pinalawig sa pamamagitan ng Crisis Intervention Unit (CIU) na matatagpuan sa Central Office at sa lahat ng Department of Social Welfare and Development Field Offices sa buong bansa.