Naghahanap ngayon ang Department of Social Welfare and Development (DSWD)ng mga volunteer na tutulong sa pag-repack ng food items na ipapamahagi sa mga naapektuhan ng Tropical Storm Paeng.
Sa Facebook post ngayong Linggo, hinimok ng Office of the Press Secretary (OPS) ang publiko na mag-volunteer sa DSWD-National Resource Operations Center sa Chapel Road sa Barangay 195, Pasay City.
Binuksan daw ang kanilang tanggapan sa mga volunteer na nais tumulong sa repacking ng family food packs.
Ang mga gustong mag-volunteer, sinabi ng OPS na magtatagal ang pag-repack ng food items hanggang sa November 11.
Puwede raw silang kumontak sa DSWD sa pamamagitan ng 0915-2921875 at hanapin si Nica.
Ang mga volunteers naman ay kailangang magpakita ng proof of complete primary Covid-19 vaccination doses at sariling water bottle containers.
Ang isang food pack na ipapamahagi ay naglalaman ng anim na kilo ng bigas, sachets ng cereal at kape maging ang mga canned goods gaya ng corned beef, tuna at sardinas.
Sa sandaling natapos ang repacking ang mga box ay agad namang idi-dispatch para sa distribution.