-- Advertisements --
remulla

Ibinunyag ng Department of Justice na naging venue rin umano ng iba’t-ibang cybercrime activities ang Philippine Offshore Gaming Operator hub na sinalakay ng mga awtoridad sa Las Piñas City noong nakaraang buwan.

Sa isang pahayag, sinabi ni Justice Undersecretary Nicholas Ty na ang naturang impormasyon ay batay sa preliminary findings ng Philippine Amusement and Gaming Corporation.

Sinabi ng opisyal na ang intelligence report na ibinigay sa kanila ay galing mismo sa naturang ahensya.

Aniya , may mga aktibidad na walang kinalaman sa gambling sa halip karamihan ay may kinalaman sa cybercrime.

Paglilinaw ni Usec. Ty, preliminary finding reports pa lamang ang naibibigay sa kanila at kasama aniya sa mga aktibidad sa sinalakay na POGO hub ay pornography at posible din ang online scamming.

Kung maaalala, mahigit dalawang libong Filipino at Foreign nationals ang nailigtas ng mga awtoridad matapos itong magsagawa ng operasyon sa Xinchuang Network Technology Inc noong June 27.

Nagresulta rin ito sa pagkakaaresto ng limang Chinese nationals dahil sa umanoy human trafficking.

Una ng ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ang pagpapalaya sa mga naarestong Chinese dahil sa kakulangan ng ebidensya ng Philippine National Police.

Itinanggi naman ito ng pamunuan ng PNP at iginiit na well coordinated ang naturang operasyon sa mga concerned agencies bago ang pagpapalabas ng Warrant of Arrest.