Naglabas si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla ng department circular na nag-uutos na bawasan ang mga bail bond para sa mga mahihirap na Pilipinong nahaharap sa kanilang mga kaso.
Inatasan ni Remulla ang mga prosecutors na isaalang-alang ang financial capacity ng mga akusado kapag inirekomenda ang halaga ng piyansa para sa criminal information para sa pagsasampa sa korte.
Aniya, ang pagpapataw ng mas mababang piyansa ay para sa interest ng katarungang panlipunan at para makapagbigay ng hustisya para sa lahat.
Mapapawi din nito ang labis na populasyon ng mga kulungan at mga pasilidad ng detensyon sa bansa.
Sa ilalim ng circular order, ang mga nag-iimbestigang taga-usig ay inaatasan na tanungin ang mga respondent kung sila ay kabilang sa mga indigen sa pagsisimula ng inquest o paunang pagsisiyasat na mga pamamaraan sa hukuman.
Ang mga kabilang umano dito ay dapat magpakita ng patunay na mga dokumento tulad ng Certificate of Indigency mula sa Department of Social Welfare and Development, Certificate of Indigency o No Income mula sa Office of the Barangay Chairperson, pinakabagong income tax return, o kanilang mga pay slip.
Kung mapatunayang kabilang ang respondent sa mga mahihirap, dapat ipahiwatig sa criminal information ang 50% ng inirekomendang piyansa bilang nakasaad sa 2018 Bail Bond Guide, o ang halagang P10,000, o alinman ang mas mababa sa nasabing halaga.