Ngayon pa lamang ay todo na ang paalala ng Department of Health (DoH) sa publiko na sundin ang pa rin ang mga health protocols para maiwasan ang pagkalat ng Coronavirus disease 2019 (COVID-19) infections sa mga pagtitipon at mga selebrasyon sa Pasko.
Sinabi ni DoH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire, mas mainam pa rin daw na magsuot pa rin ang mga dadalo sa mga pagdiriwang ng facemasks dahil na rin sa panganib ng close interaction.
Ayon sa opisyal, dapat daw ay laging isaalang-alang ng ating mga kababayan na ang ang virus ay kasama pa rin natin at marami pa rin ang nagkakasakit.
Maliban dito, marami pa rin dawa ang vulnerable sa ating bansa lalo na ang nakakatanda.
Umaasa rin si Vergeire na ang mga establishments at companies ay i-reuquire na ang mga makakadalo lamang sa mga party ay ang mga vaccinated.
Hiniling din ni Vergeire na magdoble ingat at laging titignan kung ang situwasyon ay nararapat para magkaroon ng mga ganitong aktibidad.