Tiniyak ng Department of Health (DOH) sa publiko na ang mga generic na gamot ay pare-parehong ligtas at epektibo sa mga branded na katapat nito.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge Maria Rosario Vergeire, kailangan ding maunawaan ng mga tao kung ito ay branded o unbranded generics, pareho lang ang safety at efficacy hangga’t may clearance ito at authorization mula sa Food and Drug Administration.
Tiniyak din ng DOH na mataas ang kalidad ng mga generic na gamot na makukuha sa merkado.
Nauna ng sinabi ni DOH Pharmaceutical Division Director Dr. Anna Melissa Guerrero na kung pupunta ang sinuman sa drugstore na linsensyado ng Food and Drug Administration, hindi ito maaaring magbenta ng mga counterfeit at pekeng gamot .
Dagdag pa ni Guerrero na ang departamento ng Kalusugan ay gumagamit din ng mga generic na gamot para sa kanilang mga programa.