-- Advertisements --
Pinag-aaralan ngayon ng Department of Health na magpataw ng buwis sa mga sweetened beverages at junk food products alinsunod sa ating Universal Health Care Act.
Ayon kay DOH Officer-in-Charge, Undersecretary Maria Rosario Vergeire, tumaas kasi ang bilang ng obesity problem sa bansa mula sa 31 percent noong taong 2015 ito umabot na sa 37 percent noong 2018.
Dagdag pa ni Vergeire, ang sin taxes na galing sa alcohol, vape at tobacco products ay makatutulong para makaiwas at makontrol ang mga lifestyle risk factors kagaya ng paninigarilyo at pag-inom ng alak.
Ang mga ito ang nagiging sanhi ng pagdami ng non-communicable diseases na dagdag-balakid sa pag-unlad ng ating ekonomiya.